Alamin ang mga Maagang Senyales ng Pagbabanta sa Inyong Kalusugan

Mga Maagang Senyales ng Babala sa Kalusugan na Dapat Mong Malaman

Karapat dapat para sa mga matatanda and maging mapanuri sa kanilang sariling katawan at agad na humingi ng payong medikal sakaling may mga napapansing kakaiba o hindi kaya ay nakaranas ng anumang karamdaman sa katawan. Ang doktor ay gagawa ng pagtatantiya at pagsisiyasat sa kalusugan upang makapag bigay ng wastong pagkakilanlan ng sakit. Huwag patagalin o hihintayin pa ang kasunod na nakatakdang petsa ng pagsusuri. Ang mga sumusunod ay mga karaniwang babala:

1. Pananakit ng dibdib o paninikip (na may kasamang diin), pamamanhid o pananakit ng leeg o di kaya ay sa balikat, lalo na kung may sinisikap gawin o di kaya ay may nararamdamang galit. Maaari din itong may kasamang pagpapawis, pagsusuka, kahirapan sa paghinga o pagkahilo. Ang mga ito ay mga senyales ng nagbabalang atake sa puso at nararapat po lamang na humingi ng medikal na atensiyon sa Kagawaran ng Aksidente at Kagipitan
2. Biglaang pamamanhid, panghihina o pamamanhid (kahit na lumilipas), lalo na kung isang bahagi lang ng katawan ang apektado, ay maaring senyales ng atake sa utak. Nararapat ang kaagarang paghingi ng medikal na atensiyon sa Kagawaran ng Aksidente at Kagipitan.
3. Namamalaging ubo, lumalalang ubo o di kaya ay may dugo sa plema.
4. Mga bukol sa katawan kahit hindi sumasakit.
5. May pagbabago sa pagdudumi (pagtatae ng madalas o hindi pagdumi ng higit dalawang lingo), pananakit ng tiyan, pagkakaroon ng uhog o dugo sa dinudumi.
6. Pagdudugo ng babae kahit nag menopause na.
7. May halatang pagbabago sa itsura ng isang kulugo, nunal o di kaya ay isang sugat na hindi gumagaling o sugat na nagnaknak.
8. Hindi maipaliwanag na pagpayat.
9. Palaging mababa ang kalooban (ng mahigit dalawang linggo), kawalan ng hilig sa mga libangan at mga gawain, o nahihirapan sa pagtulog.
10. Nahihirapan sa paglunok.

Nararapat ang kaagarang paghingi ng medikal na atensiyon kung ang mga babalang nakasulat sa itaas ay palagi mong maranasan.

Maagap na Pagtuklas ng Dementia

Ang dementia ay isang uri ng karamdaman na umaapekto sa utak, na kung saan ito ang nagiging sanhi ng pag hina ng kakayahang mag isip. Hindi ito pangkaraniwang bahagi ng pag tanda. Ang mga taong may ganitong karamdaman ay patuloy na makitaan ng mga senyales ng kawalan ng memorya hanggang sa ganap na kawalan ng kakayahang mag alaga sa sarili. Ang maagap na pagtuklas ng dementia ay daan sa wastong pagsusuri at pag gamot sa mga may karamdaman, at makatulong na mapanatili ang kakayahang mag alaga sa sarili. Ang bawat miyembro ng isang pamilya ay kailangang mapagmasid sa mga nakatatandang miyembro sa anumang gawain na dumadalas ang paghihirap nila habang ginagampanan ang mga ito (halimbawa yung mga pang araw araw na gawaing kinakailangan pa nilang humingi ng tulong sa iba), pati na rin ang mga pagbabago sa kanilang kinikilos at pag uugali. Halimbawa:

1. Pagkalimot na nakakagulo sa pang araw araw na pamumuhay
2. Mga hamon sa pagpaplano o paglutas sa mga problema
3. Hirap na tapusin ang isang pamilyar na gawain
4. Pagkalito sa oras at lugar
5.. Naguguluhan sa pag-intindi ng mga nakikitang imahe at mga malalawak na lugar
6. Mga bagong problema sa pagbigkas at pagsusulat ng mga salita
7. Madalas na pagkawala ng mga gamit at pagkawala ng abilidad upang alalahanin ang mga bagay
8. Madalas na hindi tamang pagdesisyon
9. Hindi pagpasok sa trabaho o pag-iwas sa mga gawaing panlipunan
10. Pagbabago sa kalooban at pagkatao

Alin man sa nabanggit sa itaas ay mga maagang senyales sa pagkakaroon ng dementia. Nararapat po lamang ang kaagarang paghingi ng payong medikal.